^

Bansa

Pangulong Marcos target 12-0 win ng senatorial bets

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Target ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na manalo ang lahat ng 12 kandidato ng administrasyon sa pagka-senador sa darating na eleksyon sa Mayo.

Ang pahayag ay ginawa ng Pangulo sa Partido Federal ng Pilipinas (PFP) Leaders Convergence Summit sa Manila.

“Ang nais naming maging resulta — siyempre ang lagi naming iniisip, dapat talaga sa unang-una, sa Senado 12-0 dapat, ‘yan ang habol natin,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Tumatayong chairman ng PFP si Pangulong Marcos.

“Palagay ko naman ay napili natin ang pinakamahusay, pinakamagagaling, at pinakamatibay hindi lamang sa eleksyon kung hindi sa serbisyo publiko. Ganoon kataas ang quality ng miyembro at ng kandidato ng PFP, dapat… Basta kami sa leadership ng PFP sinasabi natin: hindi — walang dapat matalo dito sa ating mga kandidato dahil ‘yan ang pinakamagaga­ling,” ayon pa kay Marcos.

Iginiit pa ng pangulo na nasa pambato ng administrasyon ang pinakamagaling at pinakaepektibong public servants.

Ang PFP din aniya ang pinakamalakas na partido ngayon sa bansa.

ELECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->