^

Bansa

PNP Colonel kabilang sa nasawi sa salpukan ng eroplano, US chopper

Malou Escudero, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
PNP Colonel kabilang sa nasawi sa salpukan ng eroplano, US chopper
Col. Pergentino Malabed
(Photo courtesy of the PNP Directorate for Logistics)

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na isang opisyal ng PNP ang nasawi sa naganap na banggaan ng isang commercial plane at Black Hawk helicopter malapit sa Ronald Reagan Washington National Airport nitong Huwebes.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Randulf Tuaño, kasama si PCol. Pergentino Malabed, Jr. na Chief ng Supply Management Division ng PNP sa 67 pasahero ng American airline.

Ayon kay Tuaño, si PCol Malabed ay nasa official travel nang mangyari ang insidente. Hindi naman nadamay sa insidente ang dalawa nitong kasama.

Kasama ni Malabed ang isang Police Non Commissioned Officer at isang Non-Uniformed Personnel na nagpunta sa India upang suriin ang mahigit 2,000 vest na bibilhin ng PNP.

Dumating sa India si Malabed noong Enero 22 at bumalik sa USA para isagawa ang partner testing ng bibilhing vest ng PNP.

“Ang ginawa nila doon, napag-alaman natin sa ating foreign liaison division na out of the 2,675 (vests), nag-test sila doon ng anim. Ang isa doon iniwan nila sa India at ‘yung lima is dadalhin nila doon sa shop ng kumpanyang ito sa USA kung saan nila gagawin ‘yung further testing,” ani Tuano

Nabatid na mag-isang bumiyahe si si Malabed mula Kansas patungong Washington, D.C. para sa kanyang exit call kay Col. Moises Villaceran, na Philippines’ police attaché sa Washington.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang pamunuan ng PNP sa sinapit ni Malabed at tiniyak na ibibigay ang kailangang tulong sa pamilya nito.

Hindi malilimutan ng PNP ang dedikasyon at sakripisyo nito sa pagseserbisyo.

Sa ngayon, tinutulungan ng PNP ang maybahay ni Malabed at nakatakdang magtutungo ngayong araw sa Amerika para opisyal na kilalanin ang bangkay ng kaniyang asawa.

Nangyari ang salpukan nang papalapag na sa Ronald Reagan National Airport ang  American Airlines at sinalpok ng US Army helicopter. May sakay na 60 pasahero, apat na crew members ang commercial plane habang tatlo ang sakay ng helicopter.

Si Malabed ay miyembro ng PNP Academy Class of 1998.

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->