Pangulong Bongbong Marcos tinabla hamon na hair follicle test

MANILA, Philippines — Hindi papatulan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang hamon ni dating Exceuitve Secretary Vic Rodrigguez na sumailalim siya sa hair follicle test.
Sa ambush interview sa Pasay City, na walang kinalaman ang hair follicle test sa iginigiit ni Rodriguez na public office is a public trust.
Ang hamon ni Rodriguez ay kaugnay aniya sa paggamit umano ng ilegal na droga ni Pangulong Marcos.
“No. Why should I do that? What is he saying public trust, public office-- it has nothing to do with a follicle test. Wala namang koneksyon ‘yung sinasabi niya,” pahayag ng Pangulo.
Giit pa ni Marcos, kung papaniwalaan ang sinasabi ni Rodriguez ay bakit pa ito nagtrabaho sa kanya.
“He’s always had that weakness every time we... when he was still working for me. If you believe in what he will say, why did he work for me?,” saad pa ni Marcos.
Si Rodriguez ay nagsilbing Executive Sectetary ni Pangulong Marcos sa unang buwan ng panunungkulan sa Malakanyang.
- Latest