^

Bansa

Tulfo itinulak libreng libing

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isinalang na sa plenaryo ng Senado nitong Miyerkules ang Senate Bill No. 2965 o kilala bilang Free Funeral Services Act ni Sen. Raffy Tulfo.

Naniniwala si Tulfo na karapatan ng bawat Pilipino na maihatid sa huling hantungan na may dignidad anupaman ang kanyang estado sa buhay.

Kapag naging ganap na batas, magiging libre ang pagpapalibing ng mga mahihirap na pamilya sa kanilang namatay na kamag-anak.

Sinabi ni Tulfo na sa pamamagitan ng nasabing panukala, maipapakita ang pagrespeto sa human dignity, hindi lamang habang nabubuhay kundi ­maging hanggang kamatayan ng isang tao.

Naniniwala si Tulfo na hindi na dapat maging problema ng mga mahihirap ang pagpapalibing sa kanilang namatay na kamag-anak sa gitna ng nararanasan nilang pagdadalamhati.

Layun ng panukala na i-institutionalize ang sistema kung saan ang accredited funeral establishments, sa pakikipag-ugnayan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), ay magbibigay ng libre at disenteng funeral services sa mga mahihirap.

Magtatakda naman ng mga “safeguards” laban sa pag-abuso at pagtiyak ng patas na reimbursement sa funeral service providers.

RAFFY TULFO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->