^

Bansa

Panukalang ibaba buwis sa tabako pinababasura

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinababasura ng grupong Aktibong Kilusan Tungo sa Iisang Bayan (AKTIB) ang panukalang batas na ibaba ang buwis sa tabako.

Ayon sa grupo, na ang House Bill 11279 ay naglalayong itigil ang 5% na taunang pagtaas ng buwis sa produktong tabako.

Nangangahulugan lang aniya ito na ­nakikipag-kutsabahan at kumikiling ang mga kongresista sa industriya ng tabako para mapinsala ang kalusugan ng mga kabataan at taumbayan.

Nanawagan din si  Ernesto Ofravio, tagapangulo ng AKTIB na panagutin ang mga mambabatas at namumuno sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na tahasang makikipagsabwatan sa industriya ng tabako.

Mahigit aniya sa 400,000 ang karagdagang bilang ng mga malululong sa mga produktong tabako sa bansa sa 2030 sakaling maipasa ang panukalang batas na ito.

Giit pa ni Ofranio na malinaw na ang makikinabang ay ang industriya ng tabako sa nasabing panukala subalit may dalang matinding panganib sa kalusuhan ng mga Filipino lalo na sa mahihirap na pamilya dahil sa halip na bawasan ang gastusin sa pagpapagamot dulot ng adiksyon sa sigarilyo at vape, lalo pang malalantad ang mahihirap sa masamang epekto ng sigarilyo at vape.

Kaya dapat ay lalong itaas ang buwis ng produktong tabako bilang proteksyon sa mga kabataan at mga hindi naninigarilyo.

ERNESTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->