Bong Go nakisaya sa ‘Wil to Win’
Guest host ni Kuya Wil…
MANILA, Philippines — Nagpahinga muna si Senator Christopher “Bong” Go sa kanyang “bugbugang iskedyul” para mailapit ang mga serbisyo sa mga tao sa pamamagitan ng pakikisaya, kasama si Willie Revillame, bilang guest host ng “Wil to Win” noong Miyerkules.
Kilala bilang “Mr. Malasakit”, todo-ngiti si Senator Go habang tumutulong kay Kuya Wil sa pagpapasaya sa studio audience at mga manonood sa telebisyon.
Pinatunayan ni Sen. Go sa game show na kaya rin niyang mag-entertain sa isang game show, gaya kung paano niya pagsilbihan ang kapwa Pilipino.
Isa sa mga highlight ng show ay nang tulungan ni Senator Go si Willie sa live segment na guessing game, ang Willie of Fortune, kung saan masigasig niyang pinasaya ang mga kalahok, nakipagbiruan sa kanila at kumanta ng ilang classic hits.
Pinuri ng maraming manonood ang kanyang pagiging down-to-earth, kung saan ang ilan ay nagkomento sa online na lubos nilang na-appreciate ang senador sa pakikisalamuha sa mahihirap.
Lalong nagtawanan ang audience sa hindi inaasahang bloopers ni Go nang pilyo niyang biruin na play money lang ang mga papremyong pera sa game show kaya pabiro rin siyang kinurot sa pisngi ni Kua Wil.
Sa kabila ng tawanan at saya, naglaan ng ilang sandali si Revillame upang ibahagi ang isang kuwento tungkol sa kabaitan ni Go.
“Nung nagkaroon ng COVID, tinawagan ko siya, humingi ako ng tulong. Gumawa ako ng paraan para makapagprograma, ‘yun ‘yung Tutok to Win. Dahil sa kanya, natuloy ‘yung pagtulong ko sa bawat Pilipino, during the COVID years. Siya ay isang taong napakasimple, walang luho, ang taong naniniwala akong mabuting tao,” pagkilala ni Revillame.
- Latest