^

Bansa

Popularidad ni Mayor Vico, nabawasan – survey

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Unti-unti na umanong nababawasan ang popularidad at suporta sa re-electionist na si Pasig City Mayor Vico Sotto, bunsod ng kinakaharap na dalawang kaso ng graft sa Office of the Ombudsman.

Base sa pinakahuling “Pulso ng Pasig” survey, ang ratings ni Sotto ay bumaba mula sa 68% ay naging 52% na lamang.

Ang naturang graft cases ay inihain ng isang residente ng Pasig laban kay Sotto sa Office of the Ombudsman, habang isang temporary restraining order (TRO) laban sa bagong City Hall projects ng lungsod, ang inihain naman sa Pasig City regional trial court.

Ang unang kaso ay nag-ugat mula sa umano’y pagkabigo ng City Administration na maayos na ipa-bidding ang P17.2-M halaga ng commemorative shirts ng city hall employees para sa pagdiriwang ng 451st founding anniversary ng lungsod.

Samantala, ang pinakamahigpit namang katunggali ni Sotto na si businesswoman Sara o “Ate Sara” Discaya ay nakakuha ng 45% rating mula sa non-commissioned survey.

Si Ate Sara ay isang philanthropist na ang plano at bisyon ay gawing “Smart City” ang Pasig City at maabot ang bawat komunidad.

Sa vice mayoral race naman, si dating vice mayor Iyo Bernardo ay nakatanggap umano ng 80% suporta kumpara kay incumbent Vice Mayor Dodot Jaworski, na nakakuha ng 20%.

VICO SOTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->