59% Pinoy masaya sa Pangulong Marcos admin – SWS
MANILA, Philippines — Anim sa 10 Pilipino ang masaya sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ayon sa December 2024 survey ng Social Weather Stations (SWS).
Ayon sa survey, 59% ng mga Pinoy ang “satisfied” sa mga ganap ng administrasyong Marcos noong nakaraang buwan.
Lumabas din na bumaba ng isang puntos ang “dissatisfied” o mga hindi natutuwa mula 24% noong Setyembre tungong 23% nitong Disyembre.
Ibig sabihin, nananatiling “good” ang satisfaction rating ng Pangulo na kasalukuyang nasa 51%.
Isinagawa ang survey mula Disyembre 12 hanggang 28 na mayroong 2,160 responsdents gamit ang face-to-face interviews habang tinanong kung masaya ba sila o hindi sa pamumuno ng administrayong Marcos.
- Latest