Maslog ‘guilty’ sa textbook scam, kulong ng 10 taon

Mary Ann Maslog, who was tagged in the 1998 textbook scam and allegedly faked her death, is cited for contempt by the Senate for her contradicting statements on October 8, 2024.

MANILA, Philippines — Hinatulan ng Sandiganbayan Second Division ng 10 taong pagkabilanggo si Mary Ann Maslog matapos mapatunayang guilty sa P24 milyong graft case kaugnay nang naganap na textbook scam noong 1998.

Si Maslog ay kapwa akusado ng mga dating opisyales ng noo’y Department of Education Culture and Sports (DECS) na sina Emilia Aranas at Ernesto Guiang. Ang dalawang dating DECS official ay unang nasentensiyahan ng Sandiganbayan ng 10 taong kulong.

Hindi agad nagawaran ng sentensiya si Maslog dahil napaulat ito noon na namatay na.

Lumipas ang mga taon, biglaang lumutang si Maslog kamakailan sa National Bureau of Investigation (NBI) sa pangalang Jessica Francisco.

Ito umano ay may inerereklamo sa NBI pero nang mabusisi ng ahensiya ang pagkatao nito, napatunayan ng NBI na si Maslog at Francisco ay iisa lamang dahil sa kanyang fingerprint.

Dito na siya hinabol ng Sandiganbayan at pinagpanagot sa kanyang kasalanan sa textbook scam.

Show comments