8-anyos pinakabatang nabuntis - PopCom

Ayon kay PopCom Deputy Executive Director Lolito Tacardon sa pagdinig ng Senate Committee on Basic Education na pinamumunuan ni Sen. Win Gatchalian, lubhang nakakabahala na ang lumalaking bilang ng mga kaso ng pagbubuntis sa murang edad.
Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Sa gitna ng pagdinig tungkol sa tumataas na kaso ng teenage pregnancies, inamin ng Commission on Population and Development (PopCom) noong 2003 na 8-taong gulang ang naitalang pinakabatang nanganak sa lalawigan ng Sulu.

Ayon kay PopCom Deputy Executive Director Lolito Tacardon sa pagdinig ng Senate Committee on Basic Education na pinamumunuan ni Sen. Win Gatchalian, lubhang nakakabahala na ang lumalaking bilang ng mga kaso ng pagbubuntis sa murang edad.

“Actually, ang nakakalungkot in 2023 may naitala na live birth na younger than 10, 8 years old in Sulu,” pahayag ni  Tacardon.

Sa datos ng Civil Re­gistry and Vital Statistics, ibinunyag pa ni Tacardon na noong 2023, naitala ang 11,497 live births sa mga edad 10-15 habang 54,510 live births sa mga 17-anyos pababa habang 23,260 live births naman ang repeat pregnancy.

Naitala naman noong 2012 ang teenage pregnancy cases sa 209,000 na bumaba sa 142,000 noong 2023. Pero ang kaso ng mga edad 10-14 yrs old na nabuntis noong 2023 ay naitala sa 3,342 mula sa 1,629 noong 2013.

Kaugnay nito, iniha­yag ni  Health Assistant Secretary Albert Domingo na hindi dapat nabubuntis ang bata na dapat nag-aaral at lumalaki at hindi nagdadala ng isa pang bata.

Naniniwala si Domingo na dapat pag-isipang agahan ang pagtuturo kaugnay sa puberty sa halip na simulan ito sa 11-anyos.

Maaari naman aniyang ikonsidera ang pagbibigay ng age-appropriate at culturally-sensitive information sa mga edad walong taong gulang hanggang siyam na taong gulang.

Ipinunto pa ni ­Domingo na sa kanilang records sa mga tinamaan ng HIV, ang kanilang first sexual contact ay naganap noong sila ay 16-anyos subalit ang paggamit ng contraceptives ay nasa edad 17 na.

“So, merong talagang merong maling nangyayari na parang whether it is lack of information or a lack of access to the commodities, lack of enforcement, the fact remains that childhood pregnancies are high, maternal mortalities and many new cases of HIV are because of young key populations,” ani Domingo.

Show comments