Bagong Dengvaxia case ikinasa vs Garin, iba pa

May kinalaman ito sa umano’y mga pagkamatay na iniuugnay sa Dengvaxia vaccine.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Muling sinampahan ng panibagong kaso sa Department of Justice (DOJ) si dating Health Secretary Janette Garin at ilan pang indibidwal.

May kinalaman ito sa umano’y mga pagkamatay na iniuugnay sa Dengvaxia vaccine.

Nabatid na apat na indibidwal ang nagtungo sa DOJ upang maghain ng reklamong reckless imprudence resulting in homicide laban kay Garin at iba pang dating opisyal.

Bukod dito, inakusahan din sila ng kasong paglabag sa Republic Act 9745 o Anti-Torture Act of 2009, gayundin sa Consumer Act of the Philippines at Philippine Pharmacy Act.

Ang pagsasampa ng kaso kina Garin ay isinagawa, isang araw matapos na makumpirmang iniurong na ng DOJ ang 19 counts ng kasomg reckless imprudence resulting in homicide na inihain laban kay Garin at dalawa pang doktor.

Show comments