Food emergency sa bigas, simula na sa Pebrero - DA

Rice retailers manage their stalls at Marikina Public Market on January 7, 2025.
The STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Takdang ideklara ng Department of Agriculture (DA) sa unang linggo ng Pebrero ang National Food Emergency sa bigas sa bansa.

Ito ay makaraang ihayag ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Kamara na aprubado na at kaya nang ilabas ng National Price Coordinating Council (NPCC) sa loob ng dalawang araw ang resolusyon para sa national food emergency.

Ayon kay DTI Secretary Agaton Uvero, may ina­ayos lang na formula para masuportahan ang food emergency at kaya na umanong ideklara sa susunod na dalawang araw.

Sinabi naman ni DA Spokesperson Asec. Arnel de Mesa, sa oras na makarating na sa DA ang kopya ng resolusyon, rerebyuhin lang nila ito sa loob ng dalawang araw at agad ding idedeklara ang National Food Emergency.

Anya, handa naman ang National Food Authority (NFA) na mag-release ng stocks gayundin ang mga LGU na nagsasapinal na rin ng kanya-kanyang guidelines para sa pagbebenta ng bigas.

Sa ilalim ng inamyendahang Rice Tariffication Law, maaaring magdeklara ng food security emergency ang kalihim ng agrikultura dahil sa kakulangan ng suplay o hindi pangkaraniwang pagtaas ng presyo.

Sa ilalim ng food security emergency, bibigyang pahintulot ang pagbebenta ng NFA rice stocks sa mga LGU.

Show comments