^

Bansa

Parusa sa mga dayuhang espiya sa Philippines, itinulak ni Tol

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kasunod ng mga insidente kamakailan na posibleng paniniktik sa Pilipinas, inihain ni Senador Francis N. Tolentino ang panukalang batas na nagtatakda ng mga parusa sa panghihimasok ng mga dayuhan sa Pilipinas.

Layon ng isinulong na Senate Bill 2951 ni Tolentino na i-update ang lumang legal na balangkas noong 1979 na kumokontrol sa gawain ng foreign agents sa bansa.

Ito’y matapos ikabahala ng gobyerno ang potensyal na pag-espiya o panghihimasok ng mga dayuhan sa usaping pulitika at pamahalaan ng Pilipinas na nagbunsod ng mas malalim na pagsusuri sa mga taktika at layuning ginagamit ng ilang masasamang aktor ng estado.

“Ang mga aktor na ito ay pumapasok sa mga pangunahing bahagi ng burukrasya, media at kritikal na mga imprastraktura, sa gayon ay nagbabanta sa pambansang seguridad, katatagan ng pulitika, at soberanya ng bansa,” nilalaman ng panukalang batas ni Tolentino.

Sinabi niya na ang panukalang batas ay naglalayong parusahan ang “iba’t ibang paraan kung saan maaaring makialam ang mga dayuhang ahente at entidad sa mga prosesong pampulitika at pamahalaan ng Pilipinas.”

SPY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with