^

Bansa

Mga iskolar sa Cebu, ­inayudahan ni Bong Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling iginiit ni Senator Christopher “Bong” Go ang kanyang buong suporta sa kabataan at sa kanilang edukasyon sa isang mensahe sa pagtitipon ng mga mag-aaral sa kolehiyo mula sa Cebu Technological University - San Francisco Campus sa Cebu.

“Edukasyon ang susi sa mas magandang kinabukasan at ang kabataan natin ang pag-asa ng bayan at mga magiging pinuno ng ating bansa,” paalala ni Go.

Si Senator Go, sa pakikipag-ugnayan sa Commission on Higher Education (CHED), ay naghandog ng scholarship sa mga mag-aaral mula sa Cebu Technological University sa pamamagitan ng Tulong Dunong Program (TDP).

Layon ng CHED-TDP na tulungan ang mga karapat-dapat na Pilipinong mag-aaral sa pagkamit ng kanilang akademikong pangarap, alinsunod sa misyon ng pamahalaan na magbigay ng inklusibo at de-kalidad na edukasyon.

Sa kanyang mensahe sa mga iskolar, binigyang-diin ni Go ang kahalagahan ng edukasyon at hinikayat ang mga estudyante na mag-aral nang mabuti dahil kinakatawan nila ang kinabukasan ng bansa. Kinilala niya ang dedikasyon ng mga iskolar.

Sa inisyatiba, may kabuuang 45 iskolar din ang nakatanggap ng iba pang anyo ng suporta mula Malasakit Team ni Sen. Go.

Bilang tagapangulo ng Senate Committee on Youth, nangako siyang susuportahan ang mga patakarang hindi lamang magpapalakas sa sektor ng edukasyon bagkus ay maging prayoridad din ang kalusugan at kapakanan ng mga mag-aaral.

EDUCATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with