Pinas may 7,641 na isla

This undated image shows Kayangan Lake, Coron, Palawan, Philippines
Image by Giuliano Gabella (@ggabella91) via Unsplash

MANILA, Philippines — Mayroon nang 7,641 isla ang Pilipinas.

Ito ang lumabas sa pagsusuri ng National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA).

Ayon sa NAMRIA, nadagdagan ang opisyal na bilang ng mga isla mula sa kinilalang 7,107 matapos ang isinagawang masusing pag-aaral.

Gumamit ang ahensya ng high-resolution satellite imaging na Interferometric Synthetic Aperture Radar (IFSAR) at nagresulta ito sa pagkatuklas ng nadagdag na 534 na isla.

Natukoy na karamihan sa mga bagong isla ay maliliit at walang naninirahan.

Pangunahing ahensya ng Pilipinas ang NAMRIA sa pagsasagawa ng mapping at pagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga likas na yaman ng bansa.

Show comments