^

Bansa

Kabayanihan, sakripisyo ng SAF 44 ‘wag kalimutan - Remulla

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Kabayanihan, sakripisyo ng SAF 44 ‘wag kalimutan - Remulla
Pinangunahan nina DILG Secretary Jonvic Remulla at PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang wreath-laying sa Gallant 44 Monument sa Philippine National Police Academy sa Silang, Cavite.
Roel Pareño/File

MANILA, Philippines — Ginunita nitong Sabado ang kabayanihan at matinding sakripisyo ng 44 miyembro ng Special Action Force (SAF) na nasawi sa madugong engkuwentro sa nagsanib puwersang Moro Islamic Liberation Front (MILF) noong Enero 2015 sa Brgy. Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao.

Pinangunahan nina DILG Secretary Jonvic Remulla at PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang wreath-laying sa Gallant 44 Monument sa Philippine National Police Academy sa Silang, Cavite.

Sinabi ni Remulla, bagaman hindi pa nakamtan ng SAF 44 ang hustisya ay importante na ipagpatuloy ang reporma sa hanay ng PNP.

“In their pursuit of their mission and their devotion as soldiers, they gave their service. They served their honor. But the question is: where is the justice? We have forgotten who is accountable. We have forgotten who is responsible. And we will never find it”, ani Remulla.

Binigyang diin ng Kalihim na ang sakripisyo ng mga bayaning SAF 44 ay hindi matatawaran na dapat aniyang magsilbing paalala sa pundasyon ng PNP ay nagmumula sa sakripisyo, debosyon at serbisyo sa taumbayan.

Magugunita na naglunsad ng misyon ang PNP-SAF sa Brgy. Tukanalipao, Mamasapano habang isinisilbi ang arrest warrants laban sa dalawang bomb experts  na konektado sa international terrorist group noong Enero 25, 2015. Ang operasyon ay nagresulta sa pagkasawi ng Malaysian bomb maker na si Zulkifli bin HIr alyas Marwan, lider ng Southeast Asian Jemaah Islamiyah (JI) terrorist.

DILG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with