Mock elections nakuha 100 porsyentong voter turnout - Comelec
MANILA, Philippines — Matagumpay ang isinagawang mock elections matapos 100 porsyentong paghahatid o transmissions ng simulated votes na isinagawa nitong Sabado sa 16 lugar sa bansa, ayon kay Commission on Elections Chairman George Erwin Garcia.
“Mock elections completed. 100% transmissions from precincts to municipal/ city canvassing centers, central server, ppcrv [Parish Pastoral Council for Responsible Voting] and namfrel [National Movement for Free Elections] servers, media server, majority and minority pol [political] party servers and central and back up server. 100% from mbocs [Municipal Board of Canvassers] to pbocs [provincial counterparts] and 100% from pbocs to National Board of Canvassers. Maraming salamat po sa inyong lahat!!!!,” mensahe ni Garcia sa media.
Ngayong Lunes, Enero 27, itutuloy na ang pag-iimprenta ng mga balota, na ilang beses nang naudlot bunsod ng mga ipinalabas na temporary restraining order ng Korte Suprema kaugnay sa mga petisyon ng ilang idineklarang nuisance local at national candidates ng Comelec.
Personal naman na sinaksihan at ininspeksyon ni Garcia ang mock elections kahapon sa apat na clustered precinct sa Sulu,
Nagkaroon umano ng malfunction ang makina sa ilang balota na agad naresolba matapos punasan lamang ang alikabok.
Naniniwala si Garcia na hindi magiging alalahanin ang mga makina.
- Latest