^

Bansa

China Coast Guard hinarass 2 barko ng BFAR

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang bagong insidente ng pangha-harass ng China ang inulat ng Philippine Coast Guard (PCG) na naganap sa Sandy Cays malapit sa Pag-asa Island sa West Philippine Sea noong Biyernes.

Ayon sa PCG, hinarass ng Chinese Coast Guard at People’s Liberation Army Navy 4106, 5103, at 4202 ang BRP Datu Pagbuaya MMOV-3003 at Datu Bankaw MMOV-3004 ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) habang patungo sa Sandy Cays na nagdala ng mga tauhan para sa isang marine scientific survey at sand sampling.

Nagdeploy din ang China Coast Guard ng apat na maliliit na bangka habang may isang helicopter naman na nakaposisyon sa low altitude na lumikha ng panganib para sa BFAR dahil sa pagbuga ng hangin o propeller wash.

“Fortunately, the skilled seamanship of the BFAR crew prevented any potential accidents during these dangerous confrontations,” ayon sa PCG.

Dahil sa insidente, napilitan ang BFAR at PCG na kanselahin ang planong pagkolekta ng sand samples.

Nabatid na ang Sandy Cays 2 at Sandy Cays 3, na may 5 nautical miles sa Pag-asa Island ang target sana ng BFAR sa marine scientific research.

CHINA COAST GUARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with