Pinas tutulong sa Interpol
MANILA, Philippines — Makikipagtulungan ang Pilipinas sa International Criminal Court (ICC) sakaling hilingin nila sa International Police na may managot sa anti-drug war campaign ng Duterte administration.
Sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na bagama’t hindi nababago ang posisyon ni Pangulong Marcos na walang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas dahil kumalas na ang bansa sa organisasyon ay walang magagawa ang bansa kundi makipagtulungan sa organisasyon.
Ito ay sa sandaling idadaan ang hiling nito sa Interpol sakaling may managot sa anti-drug war campaign ng nakaraang administrasyon.
Nilinaw pa ng kalihim na hindi rin pwdeng balewalain ang nasabing kahilingan dahil baka kapag ang Pilipinas na ang mag-request sa Interpol ay hindi rin tayo pansinin.
“Hindi naman puwede sabihin na IC ang nag-request sa inyo to come to us, hindi na namin kayo papansinin, kung tayo ang magre-request sa Interpol hindi na rin tayo papansinin niyan because that is committee ang tawag doon eh. Committee, pakikipag-kaibigan, makikipag-mabuting—you know what that’s means no,” ayon pa kay Bersamin.
Nahaharap sa kasong crimes against humanity sa ICC si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa madugong anti-drug war campaign kung saan mahigit 6,000 drug personalities ang napatay.
Nauna na rin sinabi ni Justice Secretary Jesus “Boying” Crispin Remulla na lumalambot na ang paninindigan ng Pilipinas laban sa ICC.
- Latest