Social pension ng senior ‘di sakop ng spending ban
MANILA, Philippines — Nananatiling hindi saklaw ng election spending ban ang social pension ng senior citizens, paglilinaw ni
Senior Citizen Party-list Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes.
Ito ay makaraan bigyan ng Commission on Elections (Comelec) ng exemption ang gastusin para sa senior citizens na pinasalamatan naman ni Ordanes.
Mabuti naman umano na naintindihan ng Comelec ang sitwasyon ng mga mahihirap na senior citizen na nangangailangan ng tulong mula sa gobyerno, may eleksyon man o wala.
Nakasanayan na ng mga benepisyaryo na sa buwan ng Abril at Mayo ay nakukuha na nila ang kanilang P3,000 o P4,000 pensyon, ayon pa sa mambabatas.
“Ang social pension ay bahagi na ng tinatawag na survival budget ng seniors para sa kanilang mga gamot at pagkain at pambayad sa kuryente at tubig,” sabi ni Ordanes.
Binibigyan ng social pension ang mga senior citizen na walang pensyon mula sa GSIS at SSS.
- Latest