^

Bansa

Grupo hangad ang batas kontra tumataas na presyo ng bilihin

Philstar.com
Grupo hangad ang batas kontra tumataas na presyo ng bilihin
JP Padiernos, first nominee ng Galing sa Puso (GP) Party-list.

MANILA, Philippines – Nangako ang isang party-list organizaton na bibigyang prayoridad ang urgent legislation na naglalayong tugunan ang tumataas na presyo ng basic goods sa sandaling muling magbukas ang Kongreso matapos ang eleksiyon.

Binigyang-diin ni Atty. JP Padiernos, first nominee ng Galing sa Puso (GP) Party-list, ang kritikal na pangangailangan para sa legislative action upang makontrol ang pagtaas ng presyo at bumuti ang supply chain management.

Idinagdag niya na ang mga hakbang na ito ay kritikal sa pagpapahupa ng pressure sa mga consumer, partikular sa mga may mababang sahod.

"This issue needs immediate attention. Many Filipinos, especially those in lower-income brackets, are struggling with the rising cost of goods. This should not be happening in a country like ours, which is rich in agricultural resources," pahayag ni Padiernos sa isang panayam kamakailan.

Habang kinikilala ang global factors na nag-aambag sa inflation, iginiit ni Padiernos na maaaring pagaanin ng Philippine government ang mga epekto nito sa pamamagitan ng well-targeted legislative measures.

"We can control the impact of inflation through effective policy. We must ensure that supply chains run efficiently and that the movement of essential goods is not impeded by unnecessary barriers or inefficiencies," dagdag pa niya.

Sa kamakailang datos mula sa Philippine Statistics Authority ay lumitaw na ang inflation ay bumilis sa 2.9 percent noong December 2024, sa likod ng mas nataas na presyo ng housing, utilities at fuel.

Lumitaw sa pre-election survey ng market research firm Tangere na nais ng publiko na magpokus ang kanilang party-list representatives sa tumataas na presyo ng bilihin, gayundin sa pagtalakay sa korupsiyon at pagpapabuti sa healthcare services, lalo na sa rural areas.

Ang GP Party-list ay naghain ng mga panukalang batas na naglalayong isulong ang economic growth sa pamamagitan ng mga pangmatagalang solusyon, kabilang ang pagbuo ng waste-to-energy technologies, pagtatayo ng industrial ecozones, at paglikha ng hatcheries upang palakasin ang local agriculture.

"We are committed to finding long-term solutions that will not only address immediate concerns but also contribute to the country’s overall economic stability," dagdag pa ni Padiernos.

CONGRESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with