Overtime pay, 13th month, dapat tax-free – Mayor Binay
MANILA, Philippines — Ipinahayag ni Makati Mayor at senatorial aspirant Abby Binay ang intensyon niyang isulong ang tax exemptions para sa 13th month at overtime pay ng mga manggagawa sa gobyerno at pribadong sektor.
Ayon sa alkalde, malaking ginhawa ang idudulot nito sa mga manggagawa at kanilang pamilya dahil magkakaroon sila ng karagdagang disposable income para sa mga pangunahing pangangailangan.
Aniya, magagamit nila itong pambili ng pagkain at gamot, pambaon sa eskwela ng anak, at iba pang basic needs.
Sinabi rin ni Mayor Abby na may pangmatagalang benepisyo ang exemptions sa ekonomiya. Aniya, may domino effect ito dahil tataas ang consumer spending, sisigla ang mga negosyo, at tataas ang revenue collection ng gobyerno. Kaya’t anumang kita ang mawawala ay mababawi rin.
Sa kasalukuyang Tax Code, ang 13th month pay ay kinukwenta kasama ang iba pang mga benepisyo tulad ng 14th month at performance bonus, at hanggang P90,000 lamang ang itinuturing na non-taxable income. Anumang halagang higit sa P90,000 ay isinasama sa taxable income ng mga manggagawa.
- Latest