MANILA, Philippines — We run the company as Filipinos!
Ito ang binigyang diin ni Henry Sy Jr., isang mataas na opisyal sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na pinawi ang mga espekulasyon sa umano’y papel ng China sa pagpapatakbo ng operasyon ng power grid ng bansa.
“The State Grid Corporation of China (SGCC) does not exercise control over the power grid nor over NGCP,” paliwanag ni Sy Jr., vice chairman ng NGCP sa pagharap nitong Huwebes sa House Committee on Legislative Franchises.
“Domestic corporations Monte Oro Grid Resources Corporation and Calaca High Power Corporation each hold thirty percent (30%), or a total of sixty percent (60%) of the outstanding capital stock of NGCP, whereas SGCC only holds a minority share of forty percent (40%),” giit ni Sy na binigyang diin na ang SGCC’s shareholding sa NGCP ay alinsunod sa Saligang Batas.
Hinggil naman sa partnership ng NGCP sa isang Chinese firm, nilinaw ni Sy na ang SGCC ay nasa Board na at ang shareholders agreement ay kasalukuyang kasama nang isagawa ang pagbili ng shares noong 2010.
Pinasubalian din ni Sy ang napaulat na makakayang i-shut down ng mga Chinese ang power grid ng bansa na iginiit na nag-iisa ang NGCP na pinatatakbo ng mga Pinoy na directors, personnel at walang mga Chinese na nagkokontrol sa operasyon sa sistema nito.
“The Chinese do not have control over the Grid,” there is no proverbial single red button that can instantly turn off the Grid. There are protocols that actually prevent this,” dagdag ni Sy.
Ipinabatid din ni Sy sa komite na ang system ng NGCP ay hindi konektado sa anumang network o internet kaya ligtas ito sa anumang remote hacking.