MANILA, Philippines — Inihayag ng US Department of Homeland Security na hindi na makapagtatago para makaiwas sa aresto ang mga ilegal na naninirahan sa Amerika dahil magsasagawa ng immigration raid sa mga eskuwelahan, simbahan maging sa mga ospital.
Bunsod ito ng kautusan ni US President Donald Trump na hulihin ang lahat ng mga immigrants na walang dokumento.
Inutusan ni Trump ang mga US government agencies na maghanda para sa “immediately repel, repatriate, and remove” ng mga undocumented immigrants.
Ibinasura ng administrasyon ni Trump ang mga patakaran na nagbabawal sa pagpapatupad ng immigration sa tinatawag na “mga sensitibong lugar”.
Tinatayang aabot sa 11 milyon ang undocumented na naninirahan sa US.