Pagsibak kay Co, pinuri ng Duterte supporters

MANILA, Philippines — Pinuri ng mga tagasuporta ng pamilya Duterte ang pagtanggal kay Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co bilang pinuno ng House Committee on Appropriations at sinabing ‘karma’ umano ang nangyaring ito sa kanya dahil sa mga tirada ng mambabatas laban kay Vice President Sara Duterte.

Inalis si Co bilang chairperson ng committee on appropriations noong Enero 13 matapos ang mosyon ni Deputy Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos na ideklarang bakante na ang puwesto. Agad naman itong inaprubahan ni House Speaker Martin Romualdez.

Sa parehong araw, naglabas naman ng pahayag si Co na nagsasabing nagbitiw siya sa puwesto dahil sa health concern, na ayon sa mga netizens ay ­paraan para ‘iligtas ang sarili’ sa kontrobersiya sa pambansang badyet kamakailan.

Kilala si Co bilang kritiko ni Duterte. Nagkaroon ng ‘word war’ ang dalawa dahil sa confidential fund ng opisina ni Duterte, kung saan hinamon ng mambabatpas ang bise presidente na ibalik ang umano’y ibinulsang pondo.

Sinabi rin ng ibang netizens na panahon na rin para imbestigahan si Co tulad ng ginawa niya kay Duterte dahil sa umano’y naugnay siya sa iba pang malalaking iskandalo sa katiwalian, kabilang ang kaso ng Pharmally.

Show comments