^

Bansa

Chinese envoy dapat ipaliwanag espiya, monster ship – Cong. Tulfo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nais ni House ­Deputy Majoritiy Leader at ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo na magpaliwanag si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian kung bakit ayaw umalis ng Chinese Coast Guard “monster ship” sa karagatan ng Zambales at ang pagkaaresto sa isang Chinese spy sa Maynila,kamakailan.

Sa isang panayam, sinabi ni Cong. Tulfo na labis-labis ang pambabastos ng China sa Pilipinas.

“Hindi na sila nakuntento na pumasok sa ­ating Exclusive Econo­mic Zone, tapos ngayon magpapadala pa sila ng espiya,” ani Tulfo.

Aniya, “I am sure alam ng Chinese Embassy yang presence ng kanilang spy sa ating bansa.”

“Dapat sagutin ni Ambassador Huang kung bakit kailangan nilang magpadala pa ng espiya sa ating bansa gayong sabi niya noon malapit na magkaibigan ang Pilipinas at China,” sabi ni Tulfo.

Suhestiyon pa ng mambabatas dapat ilapit na ng Pilipinas ang problema natin sa China sa United Nations Security Council.

CHINESE COAST GUARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with