Revilla sa NCSC: Centenarian Law sa Seniors, ipatupad!

Senators Bong Revilla on February 26, 2024.

MANILA, Philippines — Nagbabala si Senator Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr. sa National Commission of Senior Citizens (NCSC) sa masamang implikasyon kung hindi agad maipatupad ang RA 11982 o ang Expanded Centenarian Law bago matapos ang buwan ng Enero.

Kilala bilang Senior Citizens Welfare champion, sinabi ni Senator Bong na dapat kumilos na ang NCSC ngayong New Year upang hindi mapagbuntunan ng galit ng mga lolo at lola na matagal nang naghihintay sa mga benepisyo ng inamyendahang batas na pinirmahan noong Marso 2024.

“Huwag magkakamali ang NCSC na hindi ito agarang ipatupad. Hindi naman nila siguro idi-disappoint ang ating mga lolo at lola na inaabangan na ito since last March,” ayon kay Revilla.

“Sigurado naman akong ayaw nilang harapin ang galit ng ating mga nakakatanda,” dagdag nito.

Tinaguriang “Revilla Law”, ang Expanded Centenarians Act ay magbibigay ng P10,000 cash gifts sa mga senior citizens tuwing aabot sa mga edad na 80, 85, 90 at 95-anyos, samantalang ang mga centenarians o ang mga aabot 100 taong gulang ay patuloy na makakatanggap ng one-time cash gift na P100, 000.

“Sinigurado natin na mapondohan iyan sa General Appropriations Act (GAA) o 2025 National Budget. Nakipag-ugnayan tayo sa DBM para ga­rantisado ang pondo. Now it’s in the NCSC hands to fully implement it and ensure that no lolo and lola will be left behind,” paliwanag ng mambabatas.

“Wala silang dahilan para hindi ito maipatupad. There are almost 200,000 senior citizens who stand to benefit under the law. We thus call on the NCSC to fulfill their obligations in ensuring that payouts are already ready and rolled out starting January 2025. They have already been given enough time and funding,” pagtatapos ng senador.

Show comments