P15 minimum pasahe sa jeep namumuro

Motorcycle taxis ferrying passengers traverse EDSA in Pasay during rush hour on January 20, 2025.

MANILA, Philippines — Dulot nang patuloy na pagtaas ng halaga ng produktong petrolyo, pinag-aaralan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na aksyunan ang hirit ng mga drayber at operator ng jeep na itaas sa P15 ang minimum na pasahe sa jeep.

Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz na susuriin itong mabuti dahil batid ng kanilang hanay ang hamon na kinakaharap ng mga drayber at operator dahil sa mataas na presyo ng produktong petrolyo at mga bilihin.

“The LTFRB is reviewing the petition thoroughly and will consider all relevant factors, including fuel price trends, inflation rates, and the overall economic impact on the riding public,” ayon kay Guadiz.

Gayunman, sinabi nito na sinusuri rin ng LTFRB ang magiging epekto ng pagtaas ng pasahe sa mga commuters.

“We assure all stakeholders that the board will conduct public hearings and consultations to ensure transparency and inclusivity in the decision-making process,” dagdag ni Guadiz.

Tiniyak din ng LTFRB na magiging patas sa magkabilang panig ang gagawing desisyon hinggil dito.

Sa kasalukuyan, nasa P13 ang minimum na pasahe sa jeep.

Show comments