Pangulong Marcos: Ex-Pres. Duterte sinungaling!

Former president Rodrigo Duterte on October 28, 2024.
STAR / Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Tinawag na sinunga­ling ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si ­dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pahayag nito na may blangkong bahagi ang pinirmahang 2025 national budget o General Appropriations Act (GAA).

“He’s lying. He’s a President. He knows that you cannot pass a GAA with a blank. He’s lying. And he’s lying because he knows perfectly well that that doesn’t ever happen. Sa buong, sa kasaysayan ng buong Pilipinas, hindi pinapa­yagan na magkaroon ng item ang GAA na hindi nakalagay kung ano ‘yung project, at saka ano ‘yung, ‘yung gastos, ano ‘yung pondo,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Hinikayat naman ni Marcos ang publiko na para malaman ang katotohanan ay bisitahin na lamang ang website ng Department of Budget and Management (DBM) at hanapin kung may blangkong parte kahit isa sa 2025 national budget

Sa pamamagitan nito ay mapapatunayan aniya na pawang kasinungalingan lamang ang pinagsasabi ni Duterte.

“We, ah, I was watching the news earlier today and people were saying, it’s 4,000 pages. Papaano namin bubusisiin ‘yan. Para titingnan namin iisa-isa. Hindi na lang. Meron namang kopya, that’s available on the website of the DBM. Tingnan niyo, huwag na ninyo busisiin isa-isa. Hanapin niyo ‘yung sinasabi nila na blank check. Tignan niyo kung meron kahit isa. Para mapatunayan na tama ang sinasabi kong kasinungalingan ‘yan, That’s my reaction,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na hindi lang ito fake news kundi tahasang kasinungalingan na dapat kondenahin bilang kriminal na gawain.

Anya, higit 4,057 pages ng dalawang makakapal na volume ng GAA na naka-print sa pinong mga letra na may halos 60 linya kada pahina ay dumaan sa masusing pagsusuri ng daan-daang pro­pesyonal mula sa ­Kongreso at Department of ­Bud­get and Management (DBM).

‘The peddling of such fake news is outrightly malicious and should be condemned as criminal. No page of the 2025 National Budget was left unturned before the president signed it into law,’ ayon pa sa kalihim.

Nauna nang ­nilagdaan ni Marcos noong Disyembre 30 ang nasa P6.326 trilyong 2025 budget.

Show comments