MANILA, Philippines — Siniguro ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi makakapasa ang panukalang Comprehensive Sexuality Education (CSE) na isinusulong ng Senado.
Sa isang ambush interview sa Taguig City, sinabi ng Pangulo na nakakakilabot at nakakatawa ang kasalukuyang porma ng panukala ng Senado na Sexuality Education.
Nilinaw din ni Marcos na ang nauna niyang pahayag na pabor siya sa pagtuturo ng sex education sa mga bata ay dahil sa pag-aakalang ito ay patungkol lamang sa anatomy.
Sinagot lamang aniya niya ang tanong sa kanya noong Huwebes kung ano ang kanyang opinyon tungkol sa pagtuturo ng sex education sa mga paaralan at nanindigan siya na napakahalagang maituro ito.
“When I was talking about sex education, I remembered our sex education when I was in school. At ang itinuro sa amin ay anatomy. What are, what is the anatomy of male and female, reproductive systems. Naalaala ko pa, nanood kami ng video ng mga cell na nagdi-divide para maging baby. ‘Yun ang tinuro sa amin, kailangan talagang malaman ng mga kabataan iyan,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Subalit nito aniyang weekend ay nabasa niya ang Senate Bill 1979 at nagulat siya sa ilang nilalaman nito dahil sa dadalhin nito sa sistema ng mga Filipino na pagtuturo sa apat na taong gulang kung paano ang masturbation at ang karapatan ng bawat bata na mag-iba ng sekswalidad.
“This is ridiculous, this is abhorrent. This is a travesty of what sex education should be to the children. What about the parents? Wala na silang karapatan na sila ang mag-decide kung ano at kailan tuturuan ‘yung bata,” ayon pa sa Presidente.
“We all, I’m a parent and I’m a grandparent. So I feel very strongly about this. So let me be very, very clear. I still believe that sex education in terms of teaching kids anatomy, of the reproductive systems of males and females is extremely important. Consequences of early pregnancy. The prevalence of HIV. Kailangan ituro lahat ‘yan para alam ng mga kabataan,” dagdag ng Pangulo.
Dahil dito kaya tiniyak ni Pangulong Maros na ivi-veto ang nasabing panukalang batas kung hindi ito babaguhin.