^

Bansa

Ligtas na paglalakbay, paglikha ng trabaho posible sa Moto Taxi Law

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Ligtas na paglalakbay, paglikha ng trabaho posible sa Moto Taxi Law
Ito ang pahayag ni Angkas CEO at ­Angkasangga Partylist First Nominee George Royeca kayat suportado anya ang mga panukala hinggil dito nina Sen. Grace Poe at Sen. Raffy Tulfo.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Lilikha ng dagdag na trabaho at magkakaroon ng mas ligtas na paglalakbay ang mga pasahero oras na maisabatas ang Moto Taxi law.

Ito ang pahayag ni Angkas CEO at ­Angkasangga Partylist First Nominee George Royeca kayat suportado anya ang mga panukala hinggil dito nina Sen. Grace Poe at Sen. Raffy Tulfo.

Anya, ang natu­rang panukala oras na maging batas ay mala­king tulong sa sektor ng transportasyon at magiging daan upang magkaroon ng mandatory at patuloy na training sa mga riders upang matiyak na well-equipped at may higit na kaalaman ang mga ito na mabigyan ng ligtas at reliable transportation services ang mga mananakay.

Una nang pinuri ni Poe ang Angkas dahil sa pagbibigay ng tamang training sa mga rider para masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero.

Ang Angkas ang ­unang Transportation Network Company (TNCs) na gumawa ng sariling basic motorcycle driving program at may safety record na 99.997 percent.

Patuloy namang itinataguyod ng Angkasangga Partylist ang pangangalaga sa sektor ng transportasyon. Nagpahayag na rin ng suporta ang tv at movie personality na si Vice Ganda sa Angkasangga Partylist. “Sa dami ng pinagdaanan ninyo sa pagsuporta sa pamilya niyo, kailangan niyo ng kasangga na proproteksyunan at susuportahan kayo. At ‘yan ang 107 Angkasangga,” pahayag ni Vice Ganda.

MOTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with