MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ng Philippine Coast Guard (PCG) na lumayo na sa Pilipinas ang China Coast Guard (CCG) vessel 5901, o mas kilala sa tawag na ‘monster ship.’
Sinabi ng PCG na bagamat umalis na ang monster ship, pinalitan naman ito ng isa pang Chinese vessel na siya namang namataan sa Zambales coast.
“At approximately 3 PM, CCG-5901 moved further away from the PCG vessel, while another vessel, CCG-3304, approached the coast of Zambales,” ayon kay PCG spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela.
Tulad ng monster ship, ang bagong deployed na Chinese vessel CCG 3304 ay mas malaki rin kumpara sa BRP Gabriela Silang ng PCG, na siyang nagmu-monitor sa mga Chinese ships sa lugar.
“Although the monster ship has departed, it is important to note that CCG-3304, its replacement, remains larger than the largest PCG vessel. CCG-3304 measures 111 meters in length and 46 meters in width,” aniya pa.
Tiniyak din naman ni Tarriela na sa kabila nito ay patuloy ang BRP Gabriela Silang sa kanilang patriotic mission at patuloy na nagpapadala ng radio challenge laban sa labag sa batas na presensiya ng CCG sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.