68% ng botante sa Abra, nakopo ni Bersamin

MANILA, Philippines — Mayorya ng mga botante sa lalawigan ng Abra ang nais mailuklok sa puwesto si Eustaquio “Takit” Bersamin, kapatid ni Executive Secretary Lucas Bersamin laban kay Bangued Vice Mayor Joaquin Bernos bilang gobernador para sa nalalapit na 2025 midterm elections.

Batay sa survey ng market research at public opinion polling company na Tangere nitong January 13-15, lumabas na 68 percent ang pabor kay Bersamin habang si Bernos ay nakakuha lamang ng 25-percent voters at 7 percent ang undecided.

Nakakuha ng malaking pagpabor kay Bersamin ang mga botante mula sa malalaking bayan ng Bangued, Bucay, Ta-yum at La Paz. Naging popular si Bersamin sa mga botante dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa tungkulin noong maging governor.

Pumalo naman sa 99% ang awareness rate na nakuha ni Bersamin at 92-percent positive approval rating, mas mataas sa kalabang si Bernos na nakakuha lamang ng awareness rate na 85% at positive approval rating na 65 percent.

Sa posisyong pagka Vice ­Governor, ang pamangkin ni Eustaquio na si Anna Marie Bersamin ay nakakuha ng 59-percent voter preference kumpara sa reelectionist na si Maria Jocelyn Bernos, ina ni Joaquin na nakakuha ng 32 percent.

Show comments