Angkasangga patok sa kabataan, breadwinners

MANILA, Philippines — Patok sa mga kabataan at breadwinners ang Angkasangga Partylist, na kabilang sa Top 20 Party­list sa survey ng Centre for Student Initiatives (CSI) noong Disyembre.

Mula sa pang-30 puwesto noong Oktubre, umakyat sa 20th spot ang Angkasangga, na pinangungunahan ng First Nominee nito na si Angkas CEO George Royeca.

Ang survey ay ginawa mula Nov. 15 hanggang Dec. 6 na nilahukan ng 1,200 respondents na edad 18-25 anyos.

Kabilang sa adbokasiya ng Angkasangga Party­list ang pagsusulong ng kapakanan ng breadwinners at mga manggagawa sa impormal na sektor.

Kabilang dito ang tiyak na benepisyo para sa ­ating breadwinners, kasama na ang mga hindi pormal na empleyado.

Nais din ng Angkasangga na tugunan ang mahahalagang isyu tulad ng pampublikong transportasyon, paglikha ng trabaho, at proteksyon ng mga manggagawa.

Nagpahayag kamakailan ang kilalang perso­nalidad na si Vice Ganda ng buong suporta sa adbokasiya ng Angkasangga para sa breadwinners at mga manggagawa sa informal sector.

Show comments