MANILA, Philippines — Nagpahayag ng pasasalamat si PhilHealth President Emmanuel Ledesma Jr. sa marubdob na adbokasiya ni Senator Christopher “Bong” Go na bantayan ang ahensiya para sa ikabubuti ng pangangalagang pangkalusugan sa bansa.
Sa pampublikong pagdinig sa Senado ng committee on health noong Huwebes, Enero 16, binigyang-diin ni Ledesma kung paano naudyukan ng dedikasyon ni Senator Go ang mga opisyal ng PhilHealth na magtrabaho nang mas maigi at mas mahusay.
“Mr. chair, you mentioned earlier that you will not stop and you will continue to have hearings and to make us bantay. We value that very much, Mr. chair,” ani Ledesma sa pagsasabi pang napakahalaga ng pagiging aktibo ni Senator Go para matiyak na natutupad ng ahensiya ang mga mandato nito.
Idinagdag pa ni Ledesma na, “On behalf of PhilHealth, we’d want to express our utmost gratitude to you, Mr. chair, for all your support, comments, inputs, and guidance to PhilHealth. Malaking bagay po sa amin ‘yan. In fact po, ‘yung passion n’yo for healthcare has rubbed off on us officers at PhilHealth. Kaya talagang very masipag kami, hardworking. Thanks to you, Mr. chair. Sana tuluy-tuloy po tayo sa 2025, Mr. Chair.”
Sa pagpapatuloy ng pagdinig, inulit ni Senator Go na kilala bilang “health reforms crusader,” ang kanyang pangako sa pagtiyak ng access sa de-kalidad na pangangalagang pangkalusugan para sa lahat ng Pilipino.