Numero ni Tol sa balota, mananatiling 61 - Comelec
MANILA, Philippines — Mananatili sa 61 ang numero ni Senate Majority Leader Francis ‘Tol’ Tolentino sa listahan ng mga kandidato sa pagka-senador sa opisyal na balotang gagamitin para sa May 12 elections.
Ayon kay Comelec Chairperson George Garcia, ang numerong naka-assign kay Tolentino at iba pang senatoriables na ang mga pangalan sa balota ay susunod sa nasa ika-58 sa listahan, na si dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson, ay di rin mababago.
Niliwanag ng poll body chief na ito ay resulta ng pagdaragdag sa balota ng pangalan ni senatorial aspirant Subair Guinthum Mustapha, na nakakuha ng temporary restraining order (TRO) mula sa Korte Suprema laban sa desisyon ng Comelec na nagdedeklara sa kanya bilang nuisance candidate; at ang pormal na pag-atras ni Singson ng kanyang kandidatura.
Samantala, ang mga numerong naka-assign sa senatoriables na ang mga pangalan ay susunod kay Mustapha at bago ang slot na dating kay Singson ay magbabago sa updated ballots na ipapa-imprenta ng Comelec.
- Latest