Pangulong Marcos aprub pagdedeklara ng food emergency

Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. inspects rice prices at a public market in Pasig City yesterday.

MANILA, Philippines — Posibleng magdeklara na sa susunod na linggo ng food emergency security para mapababa na ang presyo ng bigas sa bansa.

Sa isang ambush interview sa Leyte, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  na inaantay na lamang ang rekomendasyon ng Price Coordinating Council at kapag pormal na itong natanggap ng Department of Agriculture (DA) ay maaari nang magdeklara ng emergency.

‘’They are still waiting for the recommendation of the Price Coordinating Council but siguro next week matatanggap na formally ng DA ‘yung kanyang rekomendasyon, and the recommendation I believe is going to be to declare an emergency,’’ pahayag pa ni Marcos.

Paliwanag pa niya, ginagawa na ang lahat ng paraan para mapababa ang presyo ng bigas, subalit hindi pinapayagan ng merkado na gumana ng maayos.

Nauna nang inaprubahan ng National Price Coordinating Council ang resolusyon na humihika­yat sa DA na magdeklara ng food security emergency para sa bigas dahil patuloy na mataas ang presyo nito.

Inihayag na rin ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel na may posibilidad na magdeklara ng food security emergency para sa bigas dahil mayroong sapat na datos at justified para suportahan ang hakbang.

Show comments