84% Pinoy suportado hakbang ng gobyerno sa West Phiippine Sea – OCTA
MANILA, Philippines — Mayorya ng mga Pinoy ang sumusuporta sa mga hakbang ng gobyerno hinggil sa pagresolba sa maritime territorial dispute sa pagitan ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea.
Ayon sa OCTA Research Tugon ng Masa, 84 percent sa mga Pinoy ang nagsabi na suportado nila ang pamahalaan kaugnay sa pagresolba sa maritime dispute.
Pinakamataas sa National Capital Region na may 90%, Visayas 87%, Mindanao 83%, at Balance Luzon 81%.
Nakapagtala naman ng pinakamababang suporta ang Cordillera Administrative Region na may 66%.
Ayon pa sa survey, nasa Class D ang may pinakamataas na suporta na may 84%, Class E 83%, at Class ABC 77%.
Sinabi pa ng survey na 91% ang pamilyar sa isyu ng West Philippine Sea. Pinakamataas na may awareness ang Visayas (96%) habang pinakamababa ang Mindanao (87%).
Ginawa ang survey noong Nobyembre 10-16, 2024 na may 1,200 respondents.
- Latest