PNP Chief Marbil posibleng ma-extend termino - Remulla
MANILA, Philippines — Malaki ang posibilidad na mapalawig pa ang termino ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen Rommel Francisco Marbil hanggang Hunyo.
Ito ang sinabi ni Department of Interior and Local Governement (DILG) Secretary Jonvic Remulla sa dahilang posibleng maging ineffective ang PNP kung papalitan agad si Marbil lalo pa’t kakatapos lang ng balasahan sa ilang matataas na opisyal ng PNP at nakapagsimula na rin sa paghahanda para sa papalapit na National and Local Elections.
Sinabi pa ni Remulla na sa kaniyang unang tatlong buwan bilang DILG secretary ay maganda ang naging samahan nila ni Marbil.
Subalit ayon kay Remulla, nasa mga kamay at desisyon pa rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung papalitan na si Marbil.
Inaasahang magreretiro sa susunod na buwan ng Pebrero o kaniyang retirement age na 56 years old si Marbil.
Ilan sa posibleng pumalit kay Marbil bilang PNP Chief sina PNP deputy chief for administration Lt Gen. Jose Melencio Nartatez; acting PNP deputy chief for operations Lt. Gen Robert Rodriguez at PNP Chief directorial staff Lt. Gen. Edgar Alan Okubo.
- Latest