Pangulong Marcos, VP Sara dumausdos pa satisfaction ratings – SWS

President Ferdinand Marcos Jr. and Vice President Sara Duterte react while attending Brigada Eskwela, an education-event of the Office of the Vice President on August 14, 2023

MANILA, Philippines — Kapwa dumausdos ang satisfaction ratings nina Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at Vice President Sara Duterte noong Disyembre 2024.

Sa latest Social ­Weather Stations (SWS) survey, ang net satisfaction rating ni Marcos ay pumalo sa +19 noong December 2024, o 13 percent na mas mababa sa +32 noong September 2024.

Ang pagbaba ay naitala sa lahat ng rehiyon sa bansa maliban sa kanyang balwarte sa balance Luzon na 60 percent ng mga Pinoy ang naghayag ng satisfaction mula June 2024.

Sa naturang survey lumabas na noong December 2024, 51% ng mga Pinoy ay satisfied kay Marcos habang 52% ang satisfied kay Duterte.

Nakita ang pagbaba sa satisfaction sa ­Mindanao, ang balwarte ng pamilyang Duterte. Mula 52 percent noong September 2024 ay naging 32% nitong December 2024 habang ang dissatisfaction ay tumaas na mula 36% ay naging 50% noong December 2024.

Samantala ang net satisfaction ni Duterte noong December 2024 ay pumalo sa +21 o 6% na mas mababa noong September 2024.

Nakapagtala si Duterte ng pinaka mababang percentage ng ­“satisfied” sa NCR na 39%, mababa sa 51% noong September 2024 habang ang kanyang ­pinakamataas na satisfaction ay nananatiling mataas sa Mindanao, 79 percent.

Ang dissatisfaction rating ng dalawang pinakamataas na opisyal sa bansa ay halos pareho lamang na may 32% kay Marcos habang 31% kay Duterte samantalang 16% ang undecided.

Show comments