Davao City mas trapik na kaysa Maynila

Motorists and commuters experience heavy traffic along the southbound lane of Kamuning and the westbound lane of Philcoa in EDSA, Quezon City as work resumes on April 1, 2024.

MANILA, Philippines — Nalampasan na ng Davao City ang Maynila bilang lungsod sa Pilipinas na may pinakamatinding trapiko, batay sa 2024 TomTom Traffic Index.

Pang-8 sa buong mundo sa 500 lungsod, ang Davao City din ang pinakamasikip na lungsod sa Pilipinas.

Ang index, na nag-a-asses ng kasikipan sa travel time sa 62 bansa, ay nagsabi na ang mga commuter sa Davao ay tumatagal ng halos 33 minuto upang maglakbay ng 10 kilometro sa average.

Ang Maynila, na dating pinakamasikip na lungsod sa Pilipinas, ay nasa ika-14 puwesto sa buong mundo na may bahagyang mas mabilis na average na oras ng paglalakbay na 32 minuto bawat 10 km. Ang Caloocan ay nasa ika-26 sa buong mundo.

Sa Davao City, ang mga motorista ay nawawalan ng halos 136 oras taun-taon dahil sa rush-hour congestion.

Ang mga commuter sa Maynila ay nawalan naman ng 127 oras bawat taon sa trapiko, kung saan ang Nob. 15, 2024 — araw ng sahod na Biyernes — ay naitala bilang pinakamasamang araw ng trapiko sa kabisera, dahil ang mga driver ay gumugol ng 39 minuto at 37 segundo sa paglalakbay ng 10 km lamang.

Bahagyang bumuti ang biyahe ng Caloocan commuters, na may average na 27 minuto at 20 segundo kada 10 km biyahe.

Sa buong mundo, ang Barranquilla, Colombia, ang nanguna sa listahan bilang lungsod na may pinakamasamang trapiko, habang ang mga lungsod ng India na Kolkata, Bengaluru, at Pune ay ika-2, 3, at 4, na sinusundan ng London sa ika-5 puwesto.

Naitala ng Sapporo, Japan ang pinakamasamang solong araw ng trapiko noong Enero 17, 2024 nang ang 10-km biyahe ay tumagal ng nakakagulat na 47 minuto at 30 segundo.

Show comments