^

Bansa

Mag-ingat sa libreng wi-fi sa malls – Tulfo

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Mag-ingat sa libreng wi-fi sa malls – Tulfo
Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services na pinamumunuan ni Sen. Raffy Tulfo, ibinahagi ang isang video na nagpapakita na kahit hindi hinahawakan ng may-ari ang kanyang cellphone ay kusang gumagalaw ang “kursor” dahil na access na ito ng hacker.
Philstar.com / File Photo

MANILA, Philippines — Pinag-iingat ang publiko sa paggamit ng mga libreng wireless fidelity (Wi-Fi) sa mga malls at iba pang pampublikong lugar dahil sa mga internet hackers.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services na pinamumunuan ni Sen. Raffy Tulfo, ibinahagi ang isang video na nagpapakita na kahit hindi hinahawakan ng may-ari ang kanyang cellphone ay kusang gumagalaw ang “kursor” dahil na access na ito ng hacker.

Nabuksan pa ng hacker ang camera ng cellphone at nabago ang face ID ng may-ari.

Ayon kay Tulfo, dapat protektahan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang publiko na gumagamit ng libreng wi-fi.

“Ano ang status ng libreng pampublikong Wi-Fi, gaano ito ka-secure, bakit nangyayari ang pag-hack at kung ano ang ginagawa ng gobyerno para protektahan ang publiko? Wala bang proteksyon para sa publiko mula sa mga hacker ng libreng Wi-Fi sa mga mall?” tanong ni Tulfo.

Sinabi ng DICT na hindi ligtas ang mga libreng wi-fi dahil lahat ay maaaring mag-connect dito kabilang ang mga hackers.

WI-FI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with