OVP wala ng pondo sa medical, burial assistance

MANILA, Philippines — Nagpaabiso na kahapon ang Office of the Vice President (OVP) na wala na silang pondo para sa kanilang medical and burial assistance program.

Sa inilabas na Notice to the Public sa kanilang official Facebook page, sinabi ng OVP na walang aprubadong budget ang naturang programa nila, sa ilalim ng 2025 General Appropriations Act (GAA).

“There is no approved budget for the Medical and Burial Assistance Program of the Office of the Vice President under the 2025 General Appropriations Act (GAA),” maikling pahayag pa ng OVP.

Kaagad rin naman itong humingi ng paumanhin sa publiko hinggil dito.

“We apologize for the inconvenience,” dagdag pa ng OVP.

Show comments