^

Bansa

Angkas pinuri sa pagbibigay ng tamang training sa riders

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinuri ni Senador Grace Poe ang Angkas sa pangunguna sa pagbibigay ng tamang training sa mga rider nito para sa kaligtasan ng mga pasahero nito. “I commend Angkas for doing this kasi kayo ang nag-umpisang mag-professionalize nito,” wika ni Poe sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services.

Ang Angkas ang kauna-unahang Transportation Network Company (TNCs) na nagsimula ng sarili nitong basic motorcycle driving program para mabigyan ng pormal na training ang mga rider nito para matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero nio.

Pinuri naman ni Senate Committee on Public Services chairperson Sen. Raffy Tulfo ang Angkas sa pagsisikap nitong tiyakin na nakakasunod ang mga rider nito sa mga patakaran ng gobyerno. Ipinabatid ni Angkas chief executive officer (CEO) George Royeca sa hearing na nananatili ang Angkas bilang pinakaligtas na motorcycle taxi sa bansa na may safety record na 99.997 porsiyento.

Sinabi rin ni Royeca na kumuha ang Angkas ng third party Triple A auditor para sa pag-audit ng safety record ng kumpanya. “This is on our second year of implementation already. We get a Triple A third-party auditor to audit our safety record,” paliwanag ni Royeca. “That’s good,” wika naman ni Tulfo .

RIDERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with