Bong Go, tuloy ang suporta sa TODA
MANILA, Philippines — “Kayo po ang ating mga modernong bayani na hindi napapagod sa pagsiguro na makarating sa bawat isa sa kanilang destinasyon, mula eskwelahan, trabaho, o anumang mahalagang gawain. Hindi matatawaran ang inyong sakripisyo, lalo na sa mga oras na kinakailangan ng mabilis at maaasahang transportasyon ng ating mga kababayan.
Ito ang ibinahagi ni Senator Christopher “Bong” Go sa general assembly ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) members sa Barangay BF Homes, Parañaque City, na nagtampok sa kontribusyon ng sektor ng TODA hindi lamang sa lokal na ekonomiya kundi maging sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino.
Ang okasyon na ginanap sa BFFHAI Park ay dinaluhan ng tinatayang 500 miyembro ng TODA kung saan binigyang-diin ang mahalagang papel ng mga tricycle driver at operator sa kanilang komunidad.
Kasabay nito ay namahagi ng relief items ang senador sa mga dumalo, tulad ng cash assistance, grocery packs, at kamiseta. May mga piling tumanggap din ng basketball, volleyball, phone, at sapatos.
Muling idiniin ni Go ang kanyang pangako na patuloy na susuportahan ang sektor ng transportasyon sa abot ng kanyang kakayahan.
- Latest