Kakulangan ng campaign funds ‘di dahilan para maging ‘nuisance candidate’ - SC

First House Representative aspirants file their certificates of candidacy at the Commission on Elections-National Capitol Region Office in San Juan City on Oct. 1, 2024,
The STAR / Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Nilinaw ng Korte Suprema na ang isang indibidwal ay hindi dapat na awtomatikong ideklara bilang isang nuisance candidate o panggulong kandidato nang dahil lamang sa kakulangan niya ng pondo upang makapagsagawa ng isang nationwide campaign.

Ipinaliwanag pa ng Supreme Court (SC) en banc na ang isang kandidato ay maituturing na nuisance kung inihain lamang niya ang kanyang kandidatura upang gawing katatawanan ang eleksiyon.

Sinabi pa ng SC na ang financial capability o kakayahan sa pananalapi, pagiging kasapi sa isang partidong pampulitika, pagiging kilala sa buong bansa, at ang posibilidad ng tagumpay, ay hindi mismong ang tutukoy ng pagkakaroon ng tunay na intensyon ng isang tao upang tumakbo para sa puwesto sa pamahalaan.

Anang SC, dapat na mapatunayan ng Commission on Elections (Comelec) na ang isang tao ay hindi hindi tunay o seryoso sa kanyang pagtakbo sa halalan.

Dapat din anilang ikonsidera ng Comelec ang ilang factors sa pagtukoy sa kakulangan ng kandidato ng ‘bona fide intention’ upang tumakbo sa eleksiyon, gaya ng kawalan ng kakayahan na mag-organisa ng isang kampanya, gayindin ng kakulangan ng rekord sa pagseserbisyo-publiko.

Show comments