150 Pinoy naapektuhan ng LA wildfires - DFA
MANILA, Philippines — Nasa 150 Filipinos ang naapektuhan ng wildfires sa Los Angeles at kasalukuyang nananatili sa Evacuation Center, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
“We have about 150 displaced Filipinos. They had to undergo the mandatory evacuation. They are now being housed in evacuation centers,” ayon kay DFA Assistant Secretary Adelio Angelito Cruz.
Ang wildfires ay kumalat sa libu-libong mga ektarya ng lupain dahil sa malakas na hangin kung saan naapektuhan ang tatlong magkakahiwalay na lugar na kinabibilangan ng Palisades, Eaton, at Hurst.
Nasa 24 ang iniulat sa namatay kung saan walo ang nasawi sa Palisades at 16 sa Eaton. Mahigit sa 100,000 residente ang inutusan na ring lumikas.
Tiniyak ni Cruz na tinutulungan ng gobyerno ng Pilipinas ang mga apektadong Filipino na makakuha ng pangmatagalang tirahan.
Nasa 290,000 mga Pinoy immigrants ang nakatira sa Los Angeles, Long Beach at Anaheim sa California.
- Latest