NTF- ELCAC ‘sinisira’ ng Makabayan Bloc

MANILA, Philippines — Inihayag ni Undersecretary Ernesto C. Torres Jr. Executive Director ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) nitong Lunes, na sa loob ng anim na taon ay nagawa nila ang kanilang ipinangako ng Communist Terrorist Group (CTG) kumpara sa limang dekada ng panggugulo ng CPP-NPA-NDF.

Ayon kay Torres, walang natupad sa pangako ng CTG na makapagbigay ng kaunlaran sa mga kanayunan tinatawag na mga geographically-isolated and disadvantaged areas (GIDA) kasabay ng paninira umano ng Makabayan Bloc sa paninira sa task force.

Balak din umano ng Makabayan Bloc na tanggalan ng pondo ang NTF-ELCAC.

Ang Barangay Development Program (BDP) ng NTF-ELCAC, ani Torres, ang tanging nakapagbigay ng mga pangako ng mga komunistang-teroristang na nagsamantala lamang sa kahinaan ng mga GIDA.

Dagdag ni Torres, mismong mga CTG ang nagpabagal ng kaunla­ran sa mga GIDA dahil ginagamit nila itong dahilan para maka-recruit ng kanilang miyembro.

Show comments