^

Bansa

Comelec: 1,100 indibidwal exempted sa gun ban

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot sa mahigit 1,100 indibidwal at mga miyembro ng security agencies, ang binigyan ng Commission on Elections (Comelec) ng exem­ption sa nationwide election gun ban.

Ang naturang election gun ban, ay nagsimula nang umiral kahapon, kasabay ng pagsisimula ng election period para sa May 12, 2025 National and Local Elections.

Ayon kay Comelec Commissioner Aimee Ferolino, kabuuang 1,131 katao at security agencies ang nabigyan nila ng certificate of ­exemption sa gun ban.

Tiniyak naman ni Ferolino na nananatili pa ring bukas ang aplikasyon para sa gun ban exemption at magsasara lamang, dalawang linggo bago matapos ang election period.

Una nang nagbabala si Comelec Chairman George Erwin Garcia, na ang lahat ng mga lalabag sa gun ban, ay mahaharap sa election offense, na may katapat na parusang pagkabilanggo ng isa hanggang anim na taong pagkabilanggo.

Bukod dito, maaari rin silang masampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 o The Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

COMELEC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with