House leaders ikinatuwa malakas na suporta sa Quad Comm probe

MANILA, Philippines — Labis ang katuwaan ng mga lider ng Quad Committee ng Kamara de Representantes ang malakas na suporta na ipinahayag ng publiko sa imbestigasyon nito upang lumabas ang katotohanan at mapanagot ang mga may sala sa kalakalan ng iligal na droga, iligal na operasyon ng POGO, at libu-libong extrajudicial killings noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay batay sa resulta ng survey na isinagawa ng Pulse Asia mula Nob­yembre 26 hanggang Disyembre 3, 2024, 61 porsiyento ang pabor sa imbestigasyon ng Quad Comm.

“This is a clear mandate from the people to pursue justice and expose the truth behind these systemic abuses. We will not waver in our mission to hold powerful offen­ders accountable,” sabi ni Quad Comm lead chair Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers at nina Quad Comm co-chairmen Dan Fernandez, ng Laguna, Joseph Stephen “Caraps” Paduano, ng Abang Lingkod Party-list, at Bienvenido Abante, ng Manila, at Quad Comm Senior Vice Chairman Romeo Acop ng Antipolo.

Sinabi ng mga lider ng Quad Comm na ang resulta ng Pulse Asia survey ay pagpapakita ng kumpiyansa sa kanilang ginagawang imbestigasyon.

Naniniwala rin ang mga lider na ang resulta ng survey ay isang mandato upang kanilang ipagpatuloy ang paghahanap ng katotohanan at mapanagot ang mga may sala.

Matapos makapagsagawa ng 13 imbestigasyon mula Agosto hanggang Disyembre 2024, nakumbinsi ang mga miyembro ng Quad Comm na ang war on drugs campaign ni dating Pangulong Duterte ay ginamit lamang upang pagtakpan ang isang “grand criminal enterprise” na kinasasangkutan ng mga matataas na opisyal ng gobyerno, sistematikong korupsyon, at international drug trafficking networks.

Show comments